Friday, May 2, 2008

Music of the 35187th Century

Gitarang kalansay,
bali-baling buto

putol na kwerdas ang paglunok:

instrumentong gamit ay gibak ng pagkalas.

Lagablab ng anino sa kakahuyan ng sementeryo,
sinusunog ang apoy sa mata ng bawat guho.
abong kumakapit sa pundasyon ng haligi,
kinakain ang tibay at tatag ng pagbabasakali.

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhkkkk!

Binalatang brasong pambambo
tinatambol yerong bakal ng mga nitso,
kinakalampag mga agiw
sa naasidong lalamunan.
Pinipitik ang natirang pag-aalinlangan.

huhummmmm! huhummmmm!

Hahambalos ang manunggal
at babaon ang bawat latay,
ibabangon ka muli sa pagkakahukay.

huhummmmm! huhummmmm!

At papasok ang kaalaman
sa mga pilipit na ugat sa anit,
hihingahan ng buhay ang
bumbunang luwag sa pagkabit:

at doon ay magkakamot ng isang tanong,

"aaaaaaaaakkhhaaakkkakk haaakkkk kaaahhkahhhkieeewwwwsss..?"

Sumayaw sa huni ng ibong pakakak,
sa hagong ng budyong bungo,
sa saliw ng panibagong katapusan.

Musika ng mga walang pinagmulan.

No comments: